Pilipinas, pang-12 sa top internet users sa buong mundo

By Rhommel Balasbas June 11, 2018 - 06:42 AM

Nasa ika-12 pwesto ang Pilipinas sa Top 20 internet users sa buong mundo ayon sa report na inilabas ng Internet World Stats para sa taong ito.

Ayon sa naturang ulat 67 milyon sa 104 milyong Filipino o 63 porsyento ng kabuuang populasyon ay social media savvy at gumagamit ng internet sa kabila ng mabagal nitong speed.

Umakyat ng tatlo ang pwesto ng Pilipinas mula sa ika-15 noong nakaraang taon.

Samantala, nangunguna naman sa listahan ang China na may 772 milyong gumagamit ng internet sa mahigit isang bilyon nitong mamamayan; pumangalawa ang India na may 462 million users din sa higit isang bilyon ding populasyon; at ikatlo naman United States na may 312 million users.

Nakabase ang datos ng Internet World Stats sa mga ulat ng International Telecommunications Union at Facebook Incorporated sa kada bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Internet Users, Internet World Stats, philippines, Radyo Inquirer, Internet Users, Internet World Stats, philippines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.