Malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas, patuloy na uulanin dulot ng Habagat
Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas dahil sa paghatak ng Bagyong Domeng sa southwest moonson o hanging Habagat.
Ayon sa PAGASA, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa ulang dala ng Habagat.
‘Generally fair weather’ o maganda naman ang panahon na mararanasan sa rehiyon ng Mindanao bagaman may mga pag-ulan na mararanasan dulot lamang ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Hilagang baybayin ng Ilocos Norte, Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Mindoro, Batangas at western seaboard ng MIMAROPA.
Pinag-iingat ang mga mangingisda sa pamamalaot dahil sa lakas ng alon sa mga nabanggit na karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.