Yellow warning nakataas pa rin sa Batangas base sa 5:00AM rainfall advisory ng PAGASA

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Batangas.

Sa 5:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning ang umiiral sa lalawigan dahil sa nararanasang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan doon.

Dulot pa rin ng Habagat ang nararanasang pag-ulan.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Bulacan, Tarlac, Bataan, Zambales at Bataan na maaaring tumagal sa loob ng 3 oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...