Passport appointments sa June 15 ipoproseso sa ibang araw – DFA

By Rhommel Balasbas June 11, 2018 - 04:58 AM

Tatanggapin ng Department of Foreign Affairs ang mga aplikante na nakapagpa-iskedyul ng kanilang appointment para sa passport application sa June 15 sa ibang mga araw.

Ito ay bunsod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang regular holiday ang June 15 bilang paggunita sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng mag Muslim.

Ayon sa DFA, ipoproseso ang mga passport appointments para sa naturang araw mula June 18 hanggang June 29 sa parehong mga tanggapan kung saan ito nakaiskedyul.

Sarado rin ang mga opisina ng DFA sa June 12 para naman sa paggunita sa Araw ng Kalayaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.