Bubong ng ospital sa Baler, natuklap dahil sa lakas ng hangin

 

Natuklap ang bubong ng payward section ng Prime General Hospital sa bayan ng Baler sa Aurora.

Iyan ay dahil sa lakas ng bugso ng hangin dulot ng bagyong Lando. Dahil dito ay pansamantalang inilipat ang mga pasyente sa hallway ng pagamutan para hindi sila mabasa.

Bagaman bahagya nang humina ang hanging dulot ng bagyong Lando sa Baler ay patuloy naman naman ang pagbuhos ng ulan.

Hindi pa rin matukoy sa ngayon ang ibapang istruktura na maaaring masira rin ng kalamidad.

Read more...