Mga kumandidato sa nagdaang Barangay at SK elections pinaalalahanan sa paghahain ng SOCE

Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec).

Sa June 13 o araw ng Miyerkules na ang deadline para sa paghahain ng SOCE ng lahat ng kandidato nanalo man o hindi.

Ayon kay DILG officer-in-charge (OIC) Eduardo Año layon nitong matiyak ang transparency at accountability ng mga kumandidato sa kanilang nagastos at mga kontribusyong natanggap para sa halalan.

Isa anyang ‘legal obligation’ ng mga kumandidato sa gobyerno sa ilalim ng RA 7166 o Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act ang paghahain ng SOCE.

Dagdag pa ni Año, isa rin itong paraan para matunayan ng mga nanalo na karapat-dapat sila sa pwesto at maipakita na tapat ang kanilang layunin sa paglilingkod bayan.

Sa ilalim ng Section 14 ng RA No.7166 nakasaad na bawat kanidato ay dapat maghain ng kanilang buo, totoo at itemized na SOCE 30 araw matapos ang eleksyon.

Read more...