3 drug suspek naaktuhang gumagamit ng shabu sa Quezon City

By Justinne Punsalang June 11, 2018 - 04:52 AM

Arestado ang tatlo katao, kabilang ang isang buntis na babae, sa Barangay Commonwealth, Quezon City matapos maaktuhang gumagamit at nagrerepack ng iligal na droga.

Nakilala ang mga arestadong suspek na sina Andrea Cator, 25 taong gulang at 5 buwang buntis; kanyang ama na si Alex Cator, 48 taong gulang; at Jonnie Gonzalvo, 23 taong gulang na sinasabing scorer ng mga ito ng shabu.

Ayon kay Barangay Commonwealth Chairman Lolita Engalan, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pagrerepack ng mga suspek ng shabu sa loob mismo ng bahay ng mag-amang Cator.

Kaya naman agad silang rumespunde at doon naaktuhang gumagamit ang mga ito ng shabu kasabay ng pagrerepack.

Narekober mula sa mga suspek ang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P7,000.

Samantala, aminado naman si Alex sa iligal na gawain. Aniya, nagawa lamang niya ito dahil buntis ang kanyang anak at kailangan na mayroong maipanustos dito at sa kanyang magiging apo.

Itinurnover na ang mga suspek sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6 upang maditine at masampahan ng kaukulang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.