Habagat patuloy na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Bagaman nakalabas na ng bansa alas-9 ng umaga ng Linggo, patuloy na hahatakin ng Bagyong Domeng ang hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa Luzon at malaking bahagi ng Visayas.

Sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA, sinabi ng weather bureau na mas nararamdaman ang Habagat sa Metro Manila, CALABARZON, Ilocos Region, Zambales, Bataan at MIMAROPA.

Apektado rin ng southwest monsoon ang Western Visayas.

Maaliwalas naman ang panahon sa Mindanao ngunit may posibilidad ng pag-ulan dulot lamang ng localized thunderstoms.

Read more...