Pulis pinagbabaril sa sariling bahay sa Cebu

By Justinne Punsalang June 11, 2018 - 12:38 AM

Nasawi ang isang pulis matapos itong pagbabarilin sa tapat ng kanyang sariling bahay sa Barangay Tipolo, Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Senior Inspector Reymond Hortuzuela na naka-assign bilang miyembro ng Special Weapons and Tactics team sa Negros Oriental Police Office.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas ng bahay si Hortuzuela dahil mayroon siyang kukuhanin sa loob ng kanyang sasakyan.

Ngunit bago pa ito makalapit sa kanyang kotse ay doon na siya pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng 9mm na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.