2 lalaki pinagbabaril sa Albay

By Justinne Punsalang June 11, 2018 - 12:36 AM

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos silang pagbabarilin sa Barangay Peñafrancia, Daraga, Albay.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Edgardo Magdaraong at isang nakilala lamang sa alyas na ‘Rolly.’

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, sinasabing parehong magnanakaw ang dalawang nasawing biktima.

Bagaman patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pamamaslang, hinala ng mga ito na riding-in-tandem ang nasa likod ng krimen.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang mga salarin sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.