Davao Oriental muling niyanig ng lindol

Naramdaman ang magnitude 4.6 na lindol sa bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig bandang alas-3:20 ng madaling araw sa 42 kilometro timog silangan ng nasabing baya.

May lalim ang lindol na 62 kilometro at tectonic ang naging dahilan nito.

Bagaman walang naitalang pinsala at aftershocks ang naturang pagyanig, ay naitala naman ang instrumental Intensity I sa General Santos City.

Unang naitala ang magnitude 4.1 na lindol sa lugar hapon ng Linggo.

Read more...