Hanging habagat patuloy na nakaaapekto sa tatlong rehiyon sa Luzon
Nakataas pa rin ang yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Bataan, Cavite, at Batangas.
Ito ay dahil pa rin sa umiiral na hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Domeng, bagaman nakalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa huling abiso ng PAGASA, nagpaalala na posible ang mga pagbaha sa nabanggit na mga lalawigan, partikular sa mga mabababang bahagi nito.
Samantala, asahan naman ang mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay malakas na mga pag-ulan sa buong Metro Manila, at mga lalawigan ng Laguna, Rizal, Quezon, at Bulacan.
Makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.