22 munisipalidad nawalan ng suplay ng kuryente
Dalawampu’t dalawang munisipalidad sa bansa ang nawalan ng kuryente dahil sa pagtama ng bagyong Lando.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, brownout sa mga naturang munisipalidad dahil sa pre-emptive cut off makaraang mabuwal ang mga poste ng kuryente.
Kabilang sa mga apektado ng browount ay ang ilang munisipalidad sa Quirino, Cagayan, Tuguegarao, Quezon, maging sa Aurora, Nueva Ecija, at Apayao.
Sinabi ni Pama na tuloy tuloy din ang clearing operations ng DPWH at LGUs, sa tulong din ng AFP at PNP, sa mga tulay at kalye na hindi madaanan dahil sa baha at landslides.
May communication interruption naman sa ilang lugar sa Aurora, pero naroroon na raw ang AFP at hinihintay na humupa ang malakas na hangin para magset up ng antenna.
Mula naman kahapon, hindi bababa sa tatlumpung flights ang kanselado, kabilang na ang dalawampu’t walong domestic flights at tatlong international flights.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.