Lalaki patay matapos manlaban sa mga pulis sa Zamboanga Sibugay

By Chona Yu June 10, 2018 - 06:04 PM

Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa mga pulis sa buy bust operation sa National Highway sa Barangay La Dicha, Malangas, Zamboanga Sibugay.

Nakilala ang nasawi na si Jeelan Nadila Cantil, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Dansulao, Malangas, Zamboanga Sibugay.

Ayon sa ulat ng Malangas Municipal Police Station, nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis sa lugar.

Gayunman, napansin ni Cantil na mga pulis ang kanyang mga katransaksyon kung kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Dahilan ito upang agad naman na gumanti ng putok ang mga pulis.

Isinugod pa si Cantil sa Wilfredo hospital sa Diplahan pero binawian din ito ng buhay.

Nakuha sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang unit ng caliber 38 na baril, at apat na bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.