Lalaki iniwang patay ng bagyong Domeng

By Chona Yu, Justinne Punsalang June 10, 2018 - 08:03 PM

Patay ang isang lalaki matapos malunod dulot ng pananalasa ng bagyong Domeng sa El Nido, Palawan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), staff ng isang resort ang nasawi.

Kinilala ang nasawi na si Algemon Dalisam Nuñez, 27 taong gulang. Nabatid na sakay si Nuñez ng jetski nang hampasin ng malalakas na alon.

Ayon pa sa ulat, noon pang June 6 nawawala ang biktima.

Narekober ang kanyang bangkay sa baybayin ng Barangay Corong-Corong.

Samantala, anim na mangingisda naman na una nang naiulat na nawawala ang na-rescue sa Mindoro.

Isang lalaki din sa Cavite ang nawawala habang nailigtas naman ang kanyang siyam na taong gulang na anak.

Nabatid na tumatawid ng ilog ang mag-ama nang tangayin ng malakas na ahos ng tubig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.