Daanan para sa mga gumagamit ng cellphone binuksan sa China

Hindi na problema ngayon sa isang lungsod sa China ang mga panganib habang sabay na naglalakad at nagtetext.

Ito ay dahil binuksan sa Xi’an City ang isang bahagi ng kalsada sa Yanta Road na nakalaan partikular para sa mga pedestrian na gumagamit ng kani-kanilang mga cellphone habang naglalakad.

Ilan sa mga residente ang natuwa sa naturang proyekto, ngunit mayroon ding iba na nagpahayag na hindi magiging makabuluhan ang daananan dahil nakalagay ito sa tabi ng parking lot at hindi sa mga pangunahing kalsada.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng nasabing proyekto sa China.

Taong 2014 nang maglagay ang isang pribadong kumpanya ng daanan na hati sa dalawa sa Chonqing, isa dito ay para sa mga gumagamit ng cellphone, habang ang kabila naman ay para sa mga regular na pedestrian.

Read more...