Gretchen Barretto humingi ng public apology matapos pagtawanan ang sulat ng isang follower

By Justinne Punsalang June 10, 2018 - 04:26 PM

Naglabas na ng public apology ang aktres na si Gretchen Barretto kaugnay sa nag-viral niyang video kung saan mapapanood siya at kanyang mga kaibigan na pinagtatawanan ang liham ng paghingi ng tulong ng kanyang follower.

Sa pamamagitan ng Instagram Live ay umamin si Gretchen sa pagkakamali niya at ng kanyang mga kaibigan.

Paliwanag ng aktres, hindi lahat ay natuwa at naintindihan kung bakit sila nagtatawanang magkakaibigan.

Aniya, ang kanilang pagkakamali ay pinagtawanan pa nila ang laman ng sulat kaysa basahin ito ng diretso.

Dagdag pa ni Gretchen, sadyang immature lamang siya at silang magkakaibigan.

Samantala, tinanggap na rin ng letter sender ang hininging paumanhin ni Gretchen at kanyang mga kaibigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.