Mag-asawa patay, 2 anak sugatan nang magsalpukan ang motorsiklo at sasakyan sa Zamboanga del Sur

By Chona Yu June 10, 2018 - 02:01 PM

Credit: Google

Patay ang mag-asawa habang sugatan ang dalawang anak matapos salpukin ang sinasakyang motorsiklo ng isang Ford Ranger sa Zamboanga del sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Anthony Daulong, 29-anyos at asawang si Jhoane Araya.

Isinugod naman sa pagamutan ang kanilang mga anak na sina Trixie araya, 9-anyos at John Kenneth Araya, 7-taong gulang at pawang mga residente ng Barangay Dumagoc, Pagadian City.

Nakilala naman ang suspek na si Raul Famor, 55-anyos, negosyante at residente ng Roxas Pagadian City.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 9, galling ng Dumalinao municipality ang mga biktima at patungo sana ng Pagadian City nang biglang salpukin sa likuran ng Ford Ranger na minamaneho ni Fiel.

Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng Ford Ranger nang mabangga ang motorsiklo.

Sa lakas ng impak, tumalipon ang mga biktima sa sementong kalsada.

Isinugod pa sa ospital ang mag-asawang Anthony at Jhoane sa Zamboanga del Sur Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.

TAGS: banggaan, Ford Ranger, motorsiklo, Police Regional Office 9, banggaan, Ford Ranger, motorsiklo, Police Regional Office 9

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.