Ginawaran ng promosyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 745 na pulis na lumaban sa teroristang Maute group sa Marawi noong Mayo ng nakaraang taon.
Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, isa itong paraan ng pagpapasalamat ng gobyerno sa mga pulis na sumama simula hanggang sa matapos ang giyera sa Marawi.
Kung tutuusin, sinabi ni Año na maliit na insentibo lamang ang promosyon kung ikukumpara sa sakripisyo, dugo at pawis na inilaan ng mga pulis matapos ang limang buwang giyera.
Kasabay nito, hinikayat ni Año ang mga bagong promote na pulis na isabuhay ang kanilang dedikasyon sa tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.