Presyo ng asukal bumaba

June 17, 2015 - 12:37 PM

asukal genericIpinagmalaki ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagbaba ng presyo sa kada kilo ng asukal sa mga pamilihan.

Ayon kay SRA Aarministrator Ma. Regina Bautista-Martin, simula noong June 9 nasa Piso kada kilo ang ibinaba ng presyo ng asukal sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Sinabi ni Bautista-Martin nasa P45.75 na lamang ang presyo ng brown sugar na mas mababa sa P45.93 na average price mula sa P47 noong buwan ng Mayo.

P48 naman ang kilo ng washed sugar kumpara sa average price na P49.44, habang P52 naman presyo ng refined na asukal kumpara sa average price na P53.61.

Sinabi ni Bautista-Martin na ang pagbaba ng presyo ng asukal ay dahil sa sapat na suplay nito ngayon.

Magugunitang tumaas ang presyo nito noong nakalipas na buwan ng Abril dahil sa kakulangan ng suplay./ Erwin Aguilon

TAGS: price, Radyo Inquirer, sugar, price, Radyo Inquirer, sugar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.