Niyanig ng lindol ang Sipalay City at ilan pang bayan sa lalawigan ng Negros Occidental.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang pagyanig 19 kilometro sa Hilagang-Silangan ng lungsod ng Sipalay sa lalim na 19 kilometro.
Naganap ang lindol kaninang 11:06 ng umaga.
Naramdaman ang Intensity IV sa Sipalay, Intensity III sa Cauayan, Negros Occidental at Basay, Negros Occidental; at Intensity II sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Naitala naman ang Instrumental Intensity V sa Sipalay City.
Wala namang naitalang pinsalang idinulot ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Philvocs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.