Malakas buhos ng ulan sa mga susunod na oras ibinabala ng PAGASA

By Den Macaranas June 09, 2018 - 02:36 PM

Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan na dala ng bagyong si Domeng habang tinatahak ang direksyon ng Hilaga Hilagang-Silangang bahagi ng ating bansa.

Kaninang alas-onse ng umaga ang bagyong Domeng ay namataan sa layong 565 kilometers Silangan Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour at pagbugso na 105 KPH.

Mayroong maximum speed ang bagyo na 21 kilometers per hour ayon sa monitoring PAGASA.

Sinabi rin ng PAGASA na mas lalong pinalakas ng Tropical Storm na si Domeng ang hanging Habagat na siyang dahilan ngayon ng malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Pinapayahuhan ng ang mga residenteng nakatira malapit sa mga landslide-prone areas na mag-ingat.

Inaasahan naman na magiging malalaki ang alon sa mga karagatan ng bansa dulot ng nasabing sama ng panahon.

Sinabi ng PAGASA na lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Domeng bukas ng umaga.

TAGS: Bagyo, batanes, Domeng, Pagasa, Bagyo, batanes, Domeng, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.