Cavs tinambakan, GSW itinanghal na NBA finals champion
Inilampaso ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 108-85 ng NBA finals game 4 para masungkit ang back-to-back championship crown.
Sa simula pa lamang ng labanan ay naging agresibo na ang GSW sa pamamagitan nina Steph Curry, Kevin Durant at Klay Thompson.
Maaga nila nadomina ang laban sa pamamagitan ng sunud-sunod na puntos.
Mula sa first quarter ay hindi na nakaabante ang Cavalier sa Warriors hanggang sa pagtungtong sa fourt quarter.
May tatlong minuto pa ang natitira ay inilabas na sa hardcourt si LeBron James kung saan ay binati niya ang mga nakasalubong na player ng GSW sa panagunguna ni Curry.
Sa kabuuan ay gumawa si Curry ng 37 points samantalang 20 naman ang naiambag ni Durant.
Dahil sa panalo ng GSW sa kampeonato, tabla na sila ng Chicago Bulls na may anim na championship crown para sa winningest team sa liga kasunod ng Boston Celtics at Lakers.
Samantala, hindi na naglalabas ng opisyal na pahayag si James kaugnay sa mga ulat na lilipat na siya ng team sa susunod na NBA season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.