Duterte isusulong ang pag-aarmas ng mga barangay chairman

By Den Macaranas June 09, 2018 - 09:11 AM

Inquirer file photo

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga Barangay Chairman para higit na maging matagumpay ang kampanya ng pamahalaan kontra kriminalidad.

Katwiran ng pangulo, ang mga punong barangay ang siyang first line of defense sa mga komunidad.

Kailangan rin umano ang tulong ng mga barangay officials na mas pinag-igting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Pero tiniyak ng pangulo na dadaan sa mabusising back ground check ang mga opisyal na barangay lalo’t naniniwala siyang marami sa mga ito ang sangkot din sa pagpapakalat ng droga sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Nauna nang binatikos ng ilang grupo ang balak ng pangulo na pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay.

TAGS: barangay officials, DILG, drugs, duterte, guns, barangay officials, DILG, drugs, duterte, guns

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.