Pulitiko itinuturong utak sa pagpatay sa isang mamamahayag sa Davao Del Norte
Isang “very influential politician” ang posibleng utak sa pagpatay sa Davao Del Norte Journalist na si Dennis Denora.
Ito ang lumilitaw sa mga paunang impormasyon na nakuha ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executide Director Joel Sy Egco.
“I can’t give the name, we cannot say it’s [the] official [finding] but a politician with strong influence is one of the [suspects] that we got from the ground,” ayon sa pahayag ni Egco na ipinadala sa Inquirer.
Sinabi ng opisyal na nangangalap na sila ng mga ebidensiya kaugnay sa pagkakasangkot ng pulitika sa nasabing pagpatay.
Ang 67-anyos na si Denora na siyang publisher ng English weekly na Trends and Times ay namatay sanhi ng mga tama ng bala sa naganap na ambush noong araw ng Huwabes sa Barangay Pandan, Panabo City.
Bukod sa pagiging publisher at blocktimer rin ang biktima sa dxKM-FM sa Tagum City.
Umepela naman ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas Davao Del Norte Chapter President Samuel Luzon para sa mabilis na hustisya sa pinatay na mediaman.
Sinabi ng mga kaanak ni Denora na wala silang alam na kaaway nito at hindi rin siya nakatatanggap ng anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay bago ang naganap na pananambang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.