Court of Appeals, pinagtibay ang desisyon na pagbawalan ang pagkuha ng testimonya ni Mary Jane Veloso
Pinagtibay ng Court of Appeals ang unang desisyon nito na pagbawalan ang pagkuha ng testimonya ni Mary Jane Veloso, ang Pilipina na nasa death row sa Indonesia dahil sa
kasong pagpuslit ng droga.
Ito ay kaugnay ng kasong illegal recruitment at human trafficking laban sa mga recruiters ni Veloso sa Nueva Ecija.
Noong June 5 ay ibinasura ng appellate court ang motion for reconsideration ni Veloso sa unang ruling na nagbawal sa isang hukom sa Nueva Ecija na isagawa ng deposition ni
Veloso.
Sa December 13, 2017 decision ng CA, binaligtad ang ruling ni Judge Anarica Castillo-Reyes ng Sto. Domingo, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 88 na payagang tumestigo si Veloso laban kina Maria Cristina Sergio at live in partner nito na si Julius Lacanilao.
Pero snabi ng CA na walang batas na pinapayagan ang pagkuha ng deposition sa written interrogations.
Sinabi ni CA Associate Justice Ramon Bato Jr. na ang pag-rekonsidera sa una nilang desisyon para makuha ang testimonya ni Veloso ay mangangahulugan ng pagbalewala sa Section 14, Article III ng Konsitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.