Pilipinas, pwedeng magsampa ng kaso laban sa China kaugnay ng panibagong insidente sa Scarborough Shoal

By Len Montaño June 09, 2018 - 07:15 AM

Pwedeng magsampa ang Pilipinas ng bagong kaso laban sa China sa International Court kasunod ng report sa umanoy pag-agaw ng Chinese Coast Guard sa huling isda ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, kung gustong ipilit ng bansa, pwedeng magsampa ng bagong kaso laban sa China dahil sa hindi pagsunod sa dating desisyon ng international tribunal.

Tinutukoy ni Carpio ang desisyon ng International Permanent Court of Arbitration noong 2016 na nagbalewala sa pag-angkin ng China sa ilang teritoryo ng Pilipinas.

Una rito ay lumabas ang report ng umanoy pagkuha ng Chinese Coast Guard ng mga nahulung isda ng mga Pinoy.

Ang Panatag Shoal ay fishing ground na nasa loob ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Carpio, na bahagi ng team na nagdepensa sa kaso ng bansa sa international tribunal, pwedeng mag-demand ang bansa ng danyos sa beijing dahil sa paglabag sa nasabing 2016 arbitral ruling.

TAGS: scarborough shoal, scarborough shoal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.