Jeron Teng, nagsalita na ukol sa kinasangkutan na gulo sa BGC

By Len Montaño June 09, 2018 - 07:13 AM SHARE(S):

Nagsalita na si Alaska Rookie Forward Jeron Teng ukol sa kinasangkutan nitong bubugan sa Bonifacio Global City na kanyang ikinasugat.

Sa kanyang Twitter ay nag-post si Teng ng kanyang larawan at nagbigay ito ng update sa kanyang kundisyon.

Nagpasalamat ang basketbolista sa kanyang pamilya, mga kaibigan at supporters sa kanilang dasal.

Nagtamo anya siya ng ilang saksak at malalim na mga sugat na pwedeng ikinamatay niya.

Sa ngayon ang nagpapagaling si Teng sa bahay at minomonitor ng kanyang pamilya at mga doktor.

Hindi pa aniya tiyak kung kailan siya makakabalik sa paglalaro.

Kasama ni Teng sa gulo sa BGC ang mga dating La Salle teammates na sina Norbert Torres at Thomas Torres.

Ayon sa pulisya, naglalakad ang grupo nina teng nang maka-enkuwentro nila ang mga suspek na sina Edmar Manalo at Willard Basili na nahaharap ngayon sa kasong frustrated
homicide.

TAGS: jeron teng, jeron teng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.