Kumpayansa ng mga consumers sa 2nd quarter ng 2018, tumaas
Tumaas ang kumpyansa ng mga consumers sa ikalawang kwarter ng 2018 dahil sa inaasang pagbuti ng ekonomiya ng bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa resulta ng consumer expectations survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas sa 3.8% ang overall confidence index sa second quarter ng 2018 mula sa halos two-
year low na 1.7% ng nakaraang kwarter.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na nangangahulugan ito na mas marami ang optimists o positibo ang pananaw ukol sa paggasta at ekonomiya ng bansa.
Batay sa datos ng BSP, laging positibo ang resulta ng consumer confidence survey mula sa ikatlong kwarter ng 2016.
Binanggit naman ni BSp Head of Department of Economic Statistics Redentor Paolo Alegre Jr. na ang positibong tugon ng mga respondents ay dahil sa pagbuti ng peace and
order, dagdag sweldo, dagdag trabaho, epektibong polisiya ng gobyerno at mas mataas na ipon ng pamilya.
Paliwanag pa ni Guinigundo, sa pangkalahatan ay inaasahan ng publiko na lalago ang ekonomiya, bubuti ang kundisyon ng bawat pamilya gayundin ang financial situation sa
bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.