Mga tricycle, hiniling na pagbawalan na maging school service ng mga estudyante
Hiniling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Metro Manila Development Authority ang ban sa paggamit ng tricycle bilang school service.
Ayon sa LTFRB, hindi dapat gamitin ang tricycle sa panghatid at pagsundo ng mga estudyante sa mga eskwelahan.
Nanawagan si LTFRB Board Member Aileen Lizada sa Metro Manila Council na huwag payagan ang tricycle bilang school service.
Umaasa rin si Lizada na huwag payagan ng mga lokal na pamahalaan na sakyan ng mga mag-aaral ang mga tricycle sa pagpasok sa paaralan at pag-uwi sa kanilang mga bahay.
Pormal aniya nilang tatalakayin na huwag payagan ang tricycle bilang school service sa pulong ng LTFRB at Metro Manila Council sa June 22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.