Mayor Sara Duterte, sasama na sa mga foreign trips ni Pangulong Duterte

Sasama na si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa ibang bansa para matiyak na hindi na
ito manghahalik ng sinuman.

Sa sidelines ng groundbreaking para sa kapitolyo ng lalawigan ng Davao Occidental, sinabi ni Duterte na ayaw niyang mag-away uli sina Communications Asst. Sec. Mocha Uson at aktres na si Kris Aquino dahil sa ginagawa ng pangulo.

Dapat ay kasama si Inday Sara sa trip ng ama sa South Korea pero dahil limitado ang pondo ay nagdesisyon siyang huwag nang sumama.

Ngayon anya ay asahan na ng pangulo na kasama siya sa mga foreign trips nito.

Kung kailangan aniya ay gagamit si Mayor Sara ng sariling pera para makasama sa biyahe ng ama para siguradong wala na itong hahalikan pa.

Read more...