DOTr, hinimok ng mga mambabatas na pag-isipan ang planong hindi na pagpapatuloy sa Bus Rapid Transit
Nanawagan ang mga mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na pag-isipan ng mabuti ang desisyon nito na huwag na ituloy ang multi-bilyong pisong Bus Rapid Transit system project.
Ang naturang proyekto ay isa mga solusyon sa problema sa mass transport system sa mga urban centers ng bansa.
Ayon kay Reps. Winston Castelo ang naturang proyekto ay may ‘go signal’ na sa Kamara.
Nalaman ang naturang desisyon na huwag na ituloy ang proyekto base sa liham na ipinadala ni DOTr Secrtetary Arthur Tugade kay Ernesto Pernia.
Una dito, ay isinusulong ng DOTr ang implementasyon ng proyekto sa Metro Manila na kung saan kanilang binigyang diin na ang BRT ay magbibgay ng ligtas, reliable at komportableng biyahe sa ansa 300,000 mga pasahero araw-araw sa kahabaan ng España at Quezon Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.