Nagtipun-tipon ang grupo sa Timog-Rotunda kahit umuulan para iprotesta ang naturang pagpapatay sa isang mamamahayag.
Una ng nanawagan si NUJP Chairperson Jo Clemente na dapat mapanagot sa batas ang sinumang gumawa ng pagpapatay kay Denora.
Nitong Huwebes ng barilin ng riding in tandem si Denora sa Panabo City.
Ang pagpatay kay Denora ay ika-11 ng mamamahayag na napatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES