Pagpatay ng sa isang mamamahayag sa Panabo City, kinundena ng NUJP
Pinangunahan ng mga miyembro ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Timog Avenue sa Quezon City kahapon ang pagkundena sa pagpatay sa Davao del Norte journalist Dennis Denora.
Nagtipun-tipon ang grupo sa Timog-Rotunda kahit umuulan para iprotesta ang naturang pagpapatay sa isang mamamahayag.
Una ng nanawagan si NUJP Chairperson Jo Clemente na dapat mapanagot sa batas ang sinumang gumawa ng pagpapatay kay Denora.
Nitong Huwebes ng barilin ng riding in tandem si Denora sa Panabo City.
Ang pagpatay kay Denora ay ika-11 ng mamamahayag na napatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.