Magnanakaw, patay sa Maynila

By Rod Lagusad June 09, 2018 - 06:55 AM

Patay ang isang suspek sa pangho-hold up kagabi matapos umano nitong pagnakawan ang isang meatshop sa Concepcion Street in Sampaloc, Maynila.

Huli sa CCTV ang suspek na may dalang bag mula ng lumabas sa nasabing meat shop.

Humantong sa habulan ang pagresponde ng mga pulis, bumunot ng baril ang suspek pagdating sa Dapitan St. habang pagdating sa kahabaan ng Alfredo Street ay pinaputukan
ng mga rumespondeng pulis ito.

Ayon sa may-ari ng meat shop ay nagsasara na sila ng kanilang tindahan ng magdeklara ng hold up ang suspek at tinangay ang kita nila na nasa P4,000.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang .38 caliber at bag kung saan nakalagay ang ninakaw na pera.

TAGS: Maynila, Sampaloc, Maynila, Sampaloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.