Inanunsiyo ng Dydo Drinco Inc. nitong nakaraang linggo na mas maraming mga vending machines sa buong Japan ang magkakaroon ng mga payong na pwedeng mahiram sa oras na bumuhos ang malakas na ulan.
Simula pa ng taong 2015 ng simulan ng naturang kompanya ang pagtulong sa mga commuters.
Ang mga payong na ito ay nakalagay sa isang box sa gilid ng mga vending machines.
Ayon sa survey na ginawa ng Dydo noong 2016 ay lumabas na nasa 70 porsiyento ng mga hinihiram na payong ay naibabalik sa mga vending machines.
Ka-partner ng nasabing kompanya dito ang East Japan Railway Co. at West Japan Railway Co.