Apat na flights ng Cebu Pacific kinansela dahil sa aberya sa runway sa Palawan

By Jan Escosio June 08, 2018 - 08:29 PM

Kinansela ng Cebu Pacific ang apat na biyahe nito para bukas (June 9) mula at patungong Palawan ngayong araw dahil sa nagka-aberyang eroplano ng South Korean Air.

Sa abiso ng Cebu Pacific, ang mga flights nila mula at patungong Coron na nakatakda bukas ng umaga ay kanselado na.

Narito mga flights na apektado:

  • DG 6041 Manila-Busuanga (Coron)             5:50AM
  • DG 6042 Busuanga (Coron)-Manila             8:15AM
  • DG 6057 Manila-Busuanga (Coron)             9:35AM
  • DG 6058 Busuanga (Coron)-Manila             11:20AM

Ginawa ang kanselasyon matapos ang insidente ng kinasangkutan ng eroplano ng Korean Air na nagresulta sa pagsasara ng runway sa Francisco B. Reyes Airport.

Ang mga pasahero ng mga biyaheng nakansela ay maaring mag-rebook ng biyahe o humingi ng refund.

Hindi naman na idinetalye ng Cebu Pacific sa kanilang abiso kung anong klaseng problema ang naranasan kaya nagsara ang runway.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Airport, Korean Air, runway, Airport, Korean Air, runway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.