Halaga ng tickets para sa laban ni Manny Pacquiao at Lucas Matthysse, aabot ng P260,000

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 07:06 PM SHARE(S):

Inilabas na ang halaga ng tickets para sa laban nina fighting Senator Manny Pacquiao at Argentine world champion Lucas Matthysse sa July 15.

Ang ticket para sa general admission sa welterweight world-title showdown ay nagkakahalaga ng $125 o katumbas ng P6,500 habang kung premium seats naman, aabot sa $5,000 o P260,000 ang halaga.

Ang iba pang halaga ng tickets depende sa pwesto ay $2,000, $1,000, $500, $350, at $250.

Simula sa susunod na Miyerkules ay maari nang mabili ang tickets para sa laban na magaganap sa 16,000-seater na Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Ang MyTicket.asia ang exclusive distributor ng ticket para sa laban.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Lucas Matthysse, manny pacquiao, Radyo Inquirer, Lucas Matthysse, manny pacquiao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.