Ilang pasahero sa Bicol, stranded dahil sa sama ng panahon

Ilang pasahero na ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Domeng.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard, 32 pasahero ang stranded ngayon sa Legazpi Poprt.

Kasama ring stranded sa nasabing pantalan ang isang barko at isang motorbanca.

Habang sa Rapu-Rapu Port naman, stranded din ang isa pang barko at isa ring motorbanca.

Hindi pinayagang maglayag ang nasabing mga sasakyang pandagat dahil sa sama ng panahon bunsod ng tropical storm Domeng.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...