Task Force Bangon Marawi aminadong may mga residenteng hindi nagugustuhan ang inilatag nilang plano sa rehabilitasyon

By Alvin Barcelona June 08, 2018 - 03:40 PM

Itinanggi ng Task Force Bangon Marawi na may mga residente ng na hindi nakapaglabas ng tunay na saloobin sa rehabilitasyon ng lungsod.

Sa harap ito ng mga ulat na may mga residente na sinarili na lang ang kanilang mga opinion sa takot na mapagbintangan na sympathizer ng mga terorista.

Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Sec. Eduardo Del Rosario ng Task Force Bangon Marawi na wala silang natatanggap na ganoong balita.

Gayunman aminado si Del Rosario na hindi lahat ay nasisiyahan at ang iba ay may kritisismo sa kanilang inilatag na plano.

Pero base aniya sa mga isinagawa nilang konsultasyon, mahigit na 90 porsyento ng populasyon sa marawi ay suportado ang kanilang development plan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Radyo Inquirer, Task Force Bangon Marawi, Marawi City, Radyo Inquirer, Task Force Bangon Marawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.