It’s Showtime nag-isyu ng public apology matapos mabatikos ang insensitibong biro tungkol sa ‘ampon’

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 03:06 PM

Naglabas ng public apology ang It’s Showtime sa kanilang programa ngayong araw ng Biyernes, June 8.

Ito ay makaraang batikusin ng publiko ang joke ni Erin Ocampo sa segment na “Puro Katatawanan” noong Huwebes tungkol sa mga ampon.

Sa statement na binasa ng host na si Amy Perez, sinabi nitong nakapagbitiw ng hindi magandang biro si Erin tungkol sa mga ampon na nakasakit sa damdamin ng publiko.

Dahil dito, humihingi aniya ng paumanhin ang programa.

Hindi rin umano nila intensyon na hindi magbigay ng respeto at gawing katawa-tawa ang sinomang tao.

Sa huli sinabi ni Perez na tinitiyak ng it’s Showtime na mas magiging maingat at responsable pa sila at sensitibo sa mga binibitiwang salita para sa ikasisiya ng lahat.

Sa segment noong Huwebes, nagtanong si Erin Ocampo kay Jimboy kung “paano gumawa ng pangit na anak”.

Ani Erin, ang tamang sagot ay “Itanong mo sa totoo mong magulang kasi ampon ka”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: adaption, It's Showtime, Puro katatawanan, Radyo Inquirer, adaption, It's Showtime, Puro katatawanan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.