Joke tungkol sa ‘ampon’ sa segment ng It’s Showtime, umaani ng batikos

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 02:50 PM

Umaani ngayon ng batikos mula sa mga netizen ang isang episode sa segment sa noontime show na It’s Showtime na umere noong Huwebes, June 7.

Ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Kathy Cuescon ang kuha ng video ng segment na “Puro Katatawanan” ng It’s Showtime.

Sa nasabing segment, nagtanong si Erin Ocampo kay Jimboy kung “paano gumawa ng pangit na anak”.

Ani Erin, ang tamang sagot ay “Itanong mo sa totoo mong magulang kasi ampon ka”.

Ayon kay Cueson, hindi dapat ginagawang katatawanan ang usapin tungkol sa adaption.

Maging ang adoption agency na NORFIL Foundation Incorporated ay nanawagan sa MTRCB at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawan ng hakbang ang nasabing isyu.

Ayon sa NORFIL, nakadidismaya ang nasabing segment na naglahat ng insensitibong joke tungkol sa pagiging ampon.

Marami ring netizens ang nag-share ng video at inilagay sa caption ang pagbatikos nila sa joke ni Ocampo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: It's Showtime, Radyo Inquirer, It's Showtime, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.