Libreng sakay inialok para sa mga gustong manood ng FIBA 3X3 World Cup sa Philippine Arena

May alok na libreng sakay ngayong araw para sa mga nais manood at suportahan ang team ng Pilipinas sa FIBA 3X3 World Cup na ginaganap sa Philippine Arena.

Simula ngayong araw, June 8 hanggang sa Martes June 12, may libreng sakay patungong Philippine Arena sa Bulacan.

Ang mga bus na maghahatid ng mga manonood ay nasa Trinoma at Momumento.

Mayroong apat na biyahe sa maghapon mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Pambato ng Pilipinas sa FIBA 3X3 Men’s Basketball sina Roger Ray Pogoy, Troy Rosario, Stanley Pringle at Christian Sandhardinger.

Habang sa 3X3 WOmen’s Basketball naman ay sina April Bernardino, Jack Danielle Animam, Gemma Miranda at Janine Pontejos.

Bukas alas 3:00 ng hapon may laban ang Pilipinas Men’s Basketball team kontra Brazil at alas 6:40 ng gabi kontra Mongolia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...