Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Cris Perez, nakamit na ang criteria ng rainfall sa mga climate station ng weather bureau para maideklara ang rainy season.
Ito ay dahil sa pag-iral na ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sa kabila nito sinabi ng PAGASA na may mga pagkakataon pa rin naman na makakaranas ng “monsoon break” na kadalasan ay tatagal ng ilang mga araw hanggang dalawang linggo.
Dahil sa pormal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan pinayuhan ng PAGASA ang publiko na palagiang magmonitor ng udpate hinggil sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES