Sandbars malapit sa Pag-asa Island, hindi naagaw ng China – DND

By Mark Makalalad June 08, 2018 - 10:19 AM

Mariing itinanggi Defense Secretary Delfin Lorenzana na naagaw na ng China sa Pilipinas ang sandbars malapit sa Pag-asa island na nasa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lorenzana, nananatiling Pilipinas ang nagmamay-ari ng naturang teritoryo at walang ibang umookupa dito.

Giit pa ni Lorenzana, malaya ang mga Pilipino na nakatira sa Pag-asa island na mag day trip sa tatlong sand bars.

Matatandaang kamakailan ay sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na naniniwala siyang nawala na sa kontrol ng Pilipinas ang Sandy Cay matapos hindi ituloy ng AFP ang pagtatayo nito ng pasilidad doon noong nakaraang taon.

Idinepensa naman ito ni Lorenzana at sinabing itinigil nila ang konstruksyon ng mga pasilidad sa sandbars dahil na rin sa kasunduan na pinasok nito sa China.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: China, Pag-Asa Island, Radyo Inquirer, territorial dispute, West Philippine Sea, China, Pag-Asa Island, Radyo Inquirer, territorial dispute, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.