Drug suspect patay matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa buy-bust operation sa Quezon

By Mark Makalalad June 08, 2018 - 10:02 AM

Patay ang isang drug suspect matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa Feeder Road, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena, Quezon bago mag alas 6:00 ng umaga ng Biyernes.

Kinilala ni Senior Supt. Osmundo De Guzman, Provincial Director ng Quezon ang suspek na si Jerry ‘Otoy’ Casimiro, nasa 40 taong gulang.

Galing pa umano ng Makati ng suspek at nagtungo ng Lucena para magtulak ng droga sa lalawigan.

Ayon kay De Guzman, mapayapa lang sana ang gagawin nilang buy-bust operation ngunit nang makatunog ang suspek na pulis pala ang kanilang katransaksyon ay agad itong nanlaban.

Pinapatukan ng suspek ang mga operating unit dahilan para gumanti naman ng putok ang mga pulis.

Dito na napuruhan ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Narekober mula pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre 38 na baril na kargado ng bala at 8 pakete ng hinihinalang shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, Lucena City, Radyo Inquirer, buy bust operation, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.