Pagbili ng karagdagang fighter jets sa South Korea, pinag-aaralan na ng pamahalaan

By Mark Makalalad June 08, 2018 - 08:53 AM

(Malacanang Photo Bureau)

Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang pagbili ng karagdagang fighter jets sa South Korea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, labingdalawang FA-50 jets ang inisyal na target nila.

Nakita aniya kasi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung gaano kaapektibo ito noong sumiklab ang gulo sa Marawi City.

Bagaman wala pang pinal na desisyon para sa karagdagang sasakyang pandigma, sinabi ng kalihim na malaking tulong ito sa defense capability ng bansa sakaling matutuloy.

Samantala, sinabi naman ni Lorenzana na bukas ang South Korea na tumulong sa bansa hindi lamang sa aspeto ng pagbibigay ng armas kundi pati na rin sa pagtuturo ng teknolohiya para ang Pilipinas na mismo ang gagawa ng sarling nitong armas.

Matatandaan na binatikos noon ni Duterte ang pagbili ng nakaraang administration ng ng 12 FA 50 sa South Korea na halos P20 Billion ang halaga dahil akma lamang daw itong gamitin sa mga air show.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: armed forces of the philippines, FA-50, fighter jets, armed forces of the philippines, FA-50, fighter jets

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.