Patuloy na pagtaas ng kaso ng suicide sa US ikinabahala ng Centers for Disease Control and Prevention

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 07:33 AM

Nabahala ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa taumataas na kaso ng suicide sa Estados Unidos.

Sa datos ng CDC, mula 1999 hanggang 2016 ay pataas ang suicide rates sa US na umabot sa 30 percent ang naitalang pagtaas.

Ang nakababahala pa ayon sa CDC, noong 2015, mahigit kalahati sa mga nagpatiwakal sa 27 estado sa Amerika ay walang rekord o hindi na-diagnose sa anumang mental illness.

Ayon sa CDC, naitala ang malaking bulto ng pagtaas ng suicide rate sa mga edad 45 hanggang 64. Mababa naman ang rate sa mga edad 10 hanggang 24.

Sinabi ni Anne Schuchat, CDC deputy director, isang national problem na ang suicide na dapat tugunan at bigyan ng komprehensibong solusyon.

Noong 2016, aabot sa 45,000 na katao ang nagpakamatay dahilan para pumangatlo ang suicide sa mga pangunahing dahilan ng pagkasawi sa US.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CDC, Radyo Inquirer, Suicide Rate, US, CDC, Radyo Inquirer, Suicide Rate, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.