WATCH: Mini plantation ng marijuana nadiskubre sa Marikina City

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 08, 2018 - 06:44 AM

Photo from Marikina City Police

Magsasagawa lang ng buy bust operation ang mga otoridad sa isang bahay sa Marikina City, pero nang magpositibo ang buy-bust natuklasan nila sa loob ng bahay ang mga tanim na marijuana na nasa mga paso.

Tatlong katao ang arestado kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang buy-bust operation sa SSS Village Barangay Concepcion Dos sa nasabing lungsod Huwebes ng Gabi. Kabilang sa mga dinakip sina Miguel Joseph Arias at Danica Joyce Tapar at isang menor de edad.

Ayon kay Sr. Supt. Roger Quesada, hepe ng Marikina City Police Station, nakuha mula sa mga suspek 800 gramo ng marijuana leaves, 31 paso ng grown marijuana plants, 3 medium size na paso ng marijuana at lima pang maliliit na na tanim na marijuana.

Sa buy bust operation pa lamang umabot na sa P4 na milyon ang halaga ng marijuanang nasabat, habang hindi pa naiimbentaryo ang halaga ng mga nakatanim na marijuana.

Dadalhin sa Crime Laboratory ng Eastern Police District ang mga suspek para sumailalim sa drug test habang ang menor de edad ay itu-turnover sa DSWD.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: marijuana leaves, Marikina, mini plantation of marijuana, radyo inqurier, marijuana leaves, Marikina, mini plantation of marijuana, radyo inqurier

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.