SRP malaking tulong kung susundin ng mga tindahan — Sen. Zubiri

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na malaking tulong sa taumbayan kung istriktong maipapatupad ang suggest retail price (SRP) sa mga pangunahing bilihin.

Kaya naman hinihikayat ni Zubiri ang Department of Trade and Industry (DTI) na bisitahin ang lahat ng tindahan para malaman kung ang lahat ay talagang sumusunod sa SRP.

Aniya, kailangan na maiwasan ang overpricing dahil isa ito sa nakakadagdag pa sa hirap ng pamumuhay ng masang Pilipino.

Sinabi pa ni Zubiri na may mga batas naman na nagbibigay proteksyon sa mga konsyumer.

Paliwanag pa ng senador na kung may kakulangan sa isang pangunahing produkto ay maaari namang mag-import para maging stable na ang supply.

Read more...